^

Bansa

P200-M ‘suhol’ kada senador ibinunyag

Ellen Fernando at Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
P200-M âsuholâ kada senador ibinunyag

Ayon sa statement ni Atty. Lorenzo Gadon, beneberipika nito ang isang impormasyon na isang hindi pinangalanang oligarch ang nangakong magsuhol sa ilang mga senador upang pumabor kay Sereno sa impeachment trial. Michael Varcas, File

Para ma-acquit si CJ Sereno?

MANILA, Philippines — Inakusahan kahapon ni Atty. Lorenzo Gadon na isa umanong “oligarch” ang nagpaplanong suhulan ng P200 milyon ang ilang mga senador upang ma-acquit  si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa kanyang impeachment case.

Ayon sa statement ni Gadon, beneberipika nito ang isang impormasyon na isang hindi pinangalanang oligarch ang nangakong magsuhol sa ilang mga senador upang pumabor kay Sereno sa impeachment trial.

“Ang dinig ko babayaran daw nila ng P200 million ang bawat Senador na boboto ng pag-absuwelto kay Sereno,” ani Gadon.

Sa kabila nito, itinanggi ng kampo ni Sereno ang ale­gasyon ni Gadon ng panunuhol na umano’y malaking kasinungalingan.

Umalma naman ang dalawang senador at itinanggi  na may kumausap at nanunuhol sa kanila ng P200 mil­yon upang matiyak na mapapawalang-sala si Sereno.

Ayon kay Senator Grace Poe, hindi totoo para sa kanyang panig ang akusasyon ni Gadon na may mayroon umanong isang business tycoon na kumakausap sa mga senador para bigyan ng P200 milyon kapalit ng pagpabor kay Sereno sa impeachment case nito.

Idinagdag ni Poe na siya mismo ay lalaban sa sinumang magtatangka na manuhol sa impeachment trial.

Hinamon din ni Poe si Gadon na sabihin kung sino ang kanyang source at ipinunto rin ito na naparaming inconsistencies ng nabanggit na abogado.

Tinawag namang hearsay ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang nasabing akusasyon ni Gadon. Mismong ang mga tini-testify umano ni Gadon sa House of Representatives ay puro hearsay kaya tiyak na gawa-gawa rin lamang ang sinasabi niyang manunuhol sa mga senador.

“Huwag kayo maniwala masyado kay Atty Gadon. Kasi puro nga hearsay yung kanya, e di lalong hearsay pa ito. ‘Yun nga tini-testify n’ya dun sa House puro hearsay, eh ito chismis pa ito, di lalong hearsay. Baka triple hearsay yan,” pahayag ni Lacson.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with