PNR na biyaheng Bulacan sisimulan na sa Enero 2018

Ayon kay DOTr Asec. for Railways Timothy Batan, nagkaroon na ng lagdaan ang DOTr at Japan International Cooperation Agency (JICA) para sa kontrata sa konstruksyon at bidding process ng 38 kilometer railway ng PNR-1.File

MANILA, Philippines — Sisimulan nang gawin ng Department of Transportation (DOTr) sa Enero 2018 ang konstruksyon ng PNR phase 1 na mag-uugnay sa Tutuban, Tondo sa Maynila patungo ng Malolos, Bulacan.

Ayon kay DOTr Asec. for Railways Timothy Batan, nagkaroon na ng lagdaan ang DOTr at Japan International Cooperation Agency (JICA) para sa kontrata sa konstruksyon at bidding process ng 38 kilometer railway ng PNR-1.

Sinabi Batan, taong 2020 hanggang 2021 magagamit at mapapakinabangan na ng riding public ang nasabing proyekto.

Sa panig naman ni Philippine National Railway Ge­neral Manager Junn Magno, na bagong train system ang gagamitin sa Tutuban hanggang Bulacan.

Aniya, nakakasa na rin ang pagsasaayos sa riles mula Maynila hanggang Clark Field sa Angeles City sa Pampanga para naman sa tone-toneladang cargo na kadalasang nagiging sanhi ng trapik sa kalsada.

Ayon naman kay DOTr Secretary Arthur Tugade, tahimik silang kumikilos at gumagawa ng paraan para maibsan at mabigyan ng solusyon ang nararanasang masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila.

“This shows we are not all about ‘talk.’ We don’t just talk, talk, talk. We don’t just build, build, build. We achieve, achieve, achieve,” sabi pa ni Tugade.

Show comments