^

Bansa

2-day transport strike ikinasa sa December 4 at 5

Doris Borja at Angie Dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
2-day transport strike ikinasa sa December 4 at 5

Iginiit ni George San Mateo, convenor ng No to Jeepney Phase-out Coalition (NTJOC) at national president ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na hindi sila patitinag sa bantang “crackdown” ng administrasyon ni Pangulong Duterte sa darating na Enero 1, 2018. Noel Celis/AFP, File

MANILA, Philippines — Muling ikinasa ng al­yansa ng mga tsuper ang dalawang araw na nation­wide strike sa lahat ng Public Utility Jeepneys (PUJs) sa darating na Dis­yembre 4 at 5 bilang pag­tutol sa jeepney phaseout na ipatutupad ng pamahalaan sa Enero ng susunod na taon.

Iginiit ni George San Mateo, convenor ng No to Jeepney Phase-out Coalition (NTJOC) at national president ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na hindi sila patitinag sa bantang “crackdown” ng administrasyon ni Pangulong Duterte sa darating na Enero 1, 2018.

Una nang inihayag ng DOTr na sisimulan na epek­tibo Enero 1, ang paghatak sa mga pumapasadang lumang mga PUJs.

Iginiit ni San Mateo na hindi sila naniniwala na ang Department Order 2017-011 ay hakbang para sa “Jeepney modernization” kundi isa umano itong “ma­laking negosyo” at balon ng korupsiyon ng gobyerno.

Nabatid na apektado sa isinusulong na jeepney modernization ang may 250,000 operators at 600,000 jeepney driver na posibleng mawalan ng pagkakakitaan.

Sinabi ni San Mateo na ang mga driver at jeepney operators ay walang malaking halaga ng salapi na agad-agad magagastos para ipambili ng milyones na jeep na ipampapalit sa mga jeep na aalisin sa kalsada.

Wala rin anyang nakaakmang pautang ang gobyerno sa mga maapektuhan ng phaseout na dapat bigyang pansin ng pamahalaan para makabili ng bagong jeep.

Ang nasabing transport strike ay ika-apat na protesta nang inilunsad ng grupo kontra  jeepney phaseout.

Noong nagdaang buwan ay nagsuspinde ng pasok sa klase at trabaho ang Malacañang dahil sa inilunsad na 2 araw na tigil pasada ng Piston.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with