Justice de Castro tetestigo sa ‘impeach CJ’

Justice de Castro

MANILA, Philippines — Maaaring mapatuna­yan o mapasinungali­ngan ang mga alegasyon ni Atty. Larry Gadon laban kay Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Se­reno sa pagharap nga­yon sa pagdinig ng Com­mittee on Justice ni Asso­­ciate Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito’y matapos na magbigay ng go signal ang SC en banc kay de Castro na dumalo sa imbitasyon ni committee chairman Rep. Reynaldo Umali para sa impeachment hearing ni Sereno.

Bukod kay de Castro, pinayagan din ng SC na dumalo sa pagdinig sina Justice Noel Tijam, Court Administrator Jose Midas Marquez, Clerk of Court Felipa Anama, SC spokesperson Theodore Te at Chief Judicial Staff Officer Charlotte Laba­yani.

Sa en banc session, unanimously vote ang naging desisyon para pa­yagan dumalo sa pagdinig ang mga mahistrado at kanilang mga empleyado.

Inaasahan ng justice committee na si de Castro ang magiging “most explosive” dahil sa kanyang mga maibabahaging kaalaman patungkol sa mga alegasyon ni Gadon laban kay Sereno.

Kabilang sa alegasyon ng abogado ang umano’y pag-tamper ni Sereno sa desisyon na isinulat ni de Castro ng TRO ng Senior Citizen partylist proclamation.

Gayundin ang umano’y clustering ng short list ng Judicial and Bar Council (JBC) noong nakaraang taon sa Sandiganbayan at Korte Suprema.

Gayunman, aminado si Umali na baka kulang ang isang araw sa pagtatanong pa lamang nila kay AJ de Castro.

Pinaalalahanan naman ni Umali ang kapwa kongresista na bigyan ng pagrespeto si de Castro dahil ito ay miyembro ng co-equal branch ng gobyerno.

Show comments