^

Bansa

Pirma ng bayaw ni ex-PNoy sa umano’y road scam peke

Pilipino Star Ngayon
Pirma ng bayaw ni ex-PNoy sa umano’y road scam peke

MAGKAIBA. Ipinakita ni Jiggy Cruz, anak ni Eldon Cruz na bayaw ni dating Pangulo Benigno Aquino III, ang pirma ng kaniyang ama sa pasaporte (kanan) at ang umano'y pirma nito sa liham sa Department of Public Works and Highways

MANILA, Philippines – Pinasinungalingan ng anak ni Eldon Cruz, bayaw ni dating Pangulo Benigno Aquino III, ang sulat sa Department of Public Works and Highways kaugnay ng umano’y road scam.

Sinabi ni Jiggy Cruz na malayo ang itsura ng lagda sa sulat na ipinakita sa pulong balitaan ng Deparment of Justice kahapon.

"That's not his signature. It is not even remotely close to it,” pahayag ni Jiggy. “We live in a time of lies and fake news and I can't believe it's reached this point. It's just totally ridiculous.”

Inakusahan si Eldon, asawa ng kapatid ni Aquino na si Ballsy, na nasa likod ng P8.7 bilyon road right-of-way scam sa General Santos City.

Ipinakita ng whistleblower na si Roberto Catapang Jr. ang liham umano ni Eldon kay DPWH Secretary Rogelio Singson upang iendorso ang pagbabayad kay noo’y Budget Secretary Florencio Abad.

Dahil dito ay inilagay sina Abad, Singson at 41 iba pa sa immigration lookout bulletin.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with