CJ Sereno isu-subpoena ng House
MANILA, Philippines — Posibleng isubpoena ng House Committee on Justice si Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno para mapilitan siyang humarap sa pagdinig sa susunod na linggo para sa determinasyon ng probable cause ng kanyang impeachment case.
Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, chairman ng komite, na kinokonsidera nila ang opsyon na isubpoena si Sereno dahil ito ang kanilang mandato na nakasaad sa konstitusyon na dapat sundin at igalang ng isang opisyal.
Giit pa ni Umali na ang paglalabas nila ng subpoena ay magsisilbing coercive power para mapilitan ang punong mahistrado na humarap sa pagdinig.
Sinabi pa ng kongresista na may posibilidad din na ma-contempt si Sereno at mapiit sa Kamara kapag binalewala niya ang subpoena.
Aminado naman si Umali na ang pagpapalabas ng subpoena kay Sereno ay maaaring pagmulan ng constitutional crisis dahil sa umiiral na separation of powers ng Legislative at Judicial branches ng gobyerno.
- Latest