Malacañang nagpasalamat sa mga Pinoy sa tagumpay ng 31st ASEAN Summit
MANILA, Philippines — Nagpasalamat kahapon ang Malacañang sa taumbayan sa pakikiisa nito sa tagumpay ng nakaraang 31st ASEAN Summit lalo ang naapektuhan ng ginawang ASEAN lanes.
Humingi din ng pasensiya si Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga naabala sa ginanap na ASEAN-related events partikular ang mga naapektuhan ng ipinatupad na ASEAN lanes sa mga pangunahing kalye tulad ng EDSA, Roxas Boulevard at North Luzon Expressway (NLEX).
“Congratulations to the rest of the Filipino people. Siyempre po may mga naabala, lalong-lalo na doon sa closure ng EDSA, pasensya na po kayo. Ang naging kapalit naman ay iyong paghanga ng buong daigdig sa kakayahan ng bansang Pilipinas,” wika ni Roque.
Ikinatuwa rin ng Palasyo ang matagumpay na pagiging host ng Pilipinas sa ASEAN Summit dahil na rin sa pakikiisa ng bawat Filipino.
Aniya, dahil sa pakikiisa at pakikipagtulungan ng bawat Filipino ay nairaos ang ASEAN event na walang naganap na anumang aberya.
“The world community now recognizes not only the fact that the Philippine President is not just a President of the Philippines, a leader of Southeast Asia, but a recognized leader in the international community. They have also given notice that the Philippines is able to competently host a bidding, a meeting of this scale and scope. And the fact that there was no untoward incident proves that the Philippines is safe to visit,” giit pa ng presidential spokesman.
- Latest