MANILA, Philippines — Ipinarating ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte sa sidelines ng ASEAN Summit ang “concern” ng Australia sa isyu ng karapatang pantao, rule of law at extrajudicial killings na mainit na isyu dahil sa drug war ng administrasyon.
Sa isang press briefing, sinabi ni Trudeau na binanggit niya sa kanilang pulong ni Duterte na nababahala ang Canada sa isyu ng karapatang pantao at EJKs sa Pilipinas. Iginiit na dapat na ma-obserba ang rule of law o pag-respeto sa batas.
Sa kabila nito, sinabi ni Trudeau na naging bukas naman ang Pangulong Duterte sa kanyang komento at positibo sa mga inilatag na isyu.
“We impressed upon him the need to respect the rule of law and, as always, offered Canada’s support and help as a friend to help move forward. This is the way we engage with the world, this is the way we always will,” ani Trudeau sa press briefing.
“The President was receptive to my comments and it was throughout a very cordial and positive exchange,” dagdag nito.
Siniguro pa ni Trudeau kay Duterte na gagawan nila nang paraaan na maibalik na sa Canada ang kanilang basura na nasa Pilipinas.
Paliwanag ni Trudeau, mayroong mga legal na balakid kaya natagalan silang maibalik sa kanilang bansa ang mga basura na itinapon sa Pilipinas.
Aniya, ngayong wala nang balakid na legal ay nakahanda na ang Canada na makipagtulungan sa Pilipinas upang malutas ang isyu sa kanilang basura.