^

Bansa

Malaking economic deals asahang papasok sa Pinas

Gemma Garcia at Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naniniwala si House Appropriations Committee chairman at Davao Rep. Karlo Nograles na makakatanggap ng mas malaking economic deals ang bansa matapos na bansagan si Pangulong Duterte na “most trusted Philippine President in the last 20 years” ng isang independent pollster.

Ang tinutukoy ni Nograles ay ang resulta ng Pulse Asia survey noong Setyembre kung saan nakakuha ang Pangulo ng 80 percent na trust at approval ratings.

Nangangahulugan lamang umano ito na ang mga investors sa Pilipinas ay tiwala at dahil dito rin gaganapin ang ASEAN Summit kaya inaaahan na makakatanggap ang bansa na mala-tidal wave na foreign investments at financial packages buhat sa iba’t ibang presidente.

Base sa resulta ng third quarter survey, nakakuha si Duterte ng mas mataas na trust at satisfaction rating sa mga nauna sa kanyang presidente tulad nina Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo at Benigno Aquino III.

Matatawag umano itong “pogi points” dahil halos dalawang dekada nang masasabi ang nakalipas na liderato.

Paliwanag pa ng kongresista na ang mataas na ratings ng Pangulo ay dahil sa imahe niya bilang hindi korup na lider na pinapangambahan ng mga foreign investors at loaning institution dahil sa posibilidad na ang kanilang pera ay masayang lamang dahil sa korupsyon.

Giit pa ni Nograles na sa kasalukuyang administrasyon ay walang dapat pangambahan dahil hindi korup ang Pangulo.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with