^

Bansa

26,000 bahay sa Yolanda victims naibigay na-NHA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naipagkaloob na ng National Housing Authority (NHA) ang may 26,000 units ng bahay sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda kamakailan.

 Ito ang kinumpirma ni Elsie Trinidad, spokesperson ng NHA matapos na maitayo ang naturang mga bahay simula noong 2014.

 Sa press conference sa NHA, sinabi ni Trinidad na ang 26,000 housing units na nai-award na sa mga biktima ng supertyphoon Yolanda ay mula sa 78,000 units ng bahay na naitayo na ng ahensiya at may mahigit namang 27,000 units ang patuloy na itinatayo. May kabuuang P59.8 bilyon budget umano ang pamahalaan para sa permanent housing prog­ram ng NHA sa mga nasalanta ng naturang bagyo.

 Ang Yolanda housing project ay hinati sa tatlo sa ilalim ng NHA Project implementation team (NPIT)  A ni Architect Susan Nonato na sumasakop sa mga pabahay sa mga Yolanda victims sa Cebu, Negros, Palawan, Masbate, sakop naman ng  NPIT B ni Engr Romuel Alimboyao sa mga lugar ng Iloilo, Antique, Aklan, Capiz at  ang NPIT C ni Engr. Grace Guevarra ay nakakasakop sa mga pabahay na naitayo sa Tacloban, Leyte, Butuan at Samar. Anila, may kabuuang 205,128 units ng pabahay ang kanilang ipatatayo sa ilalim ng Yolanda housing project.

 Sinabi ni Engr Guevarra na sa 2019, ina­asahang tapos na nilang maipamigay ang lahat ng pabahay para sa mga Yolando typhoon victims.

 “Nagpahayag po ang Pangulong Rodrigo Duterte na ilibre ang pabahay sa mga biktima ni Yolanda at Pablo kaya ito po ang aming susundin. Pero ang bahay at lote po ay maaari po nilang magamit sa loob ng 50 taon pero wala pong titulo na sa kanilang pa­ngalan ang property para maiwasan na maibenta nila ang housing units sa iba,” paliwanag ni Arhictect Nonato.

 Sinabi rin ni Engr. Alim­boyao na ang bawat housing unit ay may 33-40 square meters na itinayo at itatayo sa hindi danger zone. Ang proyekto ay sumasakop sa 171 cities at municipalities,14 pro­vinces at 6 rehiyon.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with