Lifestyle check sa SSS officials, giit
MANILA, Philippines — Dapat magsagawa ng assets and investments audit at lifestyle check sa lahat ng Social Security System (SSS) board members at iba pang mga opisyal nito.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, bukod pa ito sa ginawang pag-freeze at pag-suspinde sa lahat ng bank and financial accounts nina SSS Executive Vice President for Investment Rizaldy Capulong, Vice President for Equities Investment Division Reginal Candelaria, Equities Product Development head Ernesto Francisco Jr. at Actuarial and Risk Management Division Chief George Ongkeko.
“This is in line to see if indeed that it is only the 4 SSS executives who are using their positions to enrich themselves. They must remember that they are there to serve the members of the SSS and most of them are political appointees. They are not there to become rich but to share their supposed skills and talents to the people,” sabi ni Zarate.
Para naman kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao, hindi katanggap-tanggap na hirap ang mga miyembro ng ahensiya na makuha ang kanilang benepisyo subalit ang matataas na opisyal pala doon ay tumatabo ng kita sa pamamagitan ng trading ng sariling stocks gamit ang stockbroker ng SSS.
Hiniling din ni Casilao sa SSS na imbestigahan ang iba pang investment dealing ng ahensiya dahil posibleng hindi isolated lamang ang kinasangkutan ng apat na opisyal nito.
- Latest