MANILA, Philippines — Nagbabala si Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento na magkakaroon ng krisis ang Metro-Manila sa basura sa loob ng limang taon hangga’t hindi sinususugan ng Kongreso ang environmental laws para itulak ang paghihiwalay ng mga basura sa households, commercial at industrial establishments at payagan ang paggamit ng inceneration plants.
Ayon kay Sarmiento, may mga pagpupulong pang ginagawa kung isasara na ang tapunan ng basura sa Payatas dahil mapupuno na ito sa susunod na buwan kaya lang sa tantiya ng Metro Manila Development Authority (MMDA) magagamit pa ang lugar hanggang 2021.
Ang iba pang tapunan ng basura sa Metro Manila sanitary landfills tulad ng Navotas Sanitary Land Fill at Rizal Provincial Sanitary Landfills ay malapit na rin umanong mapuno.
Ayon sa MMDA, ang Navotas landfill ay magagamit pang tapunan ng basura hanggang 2026 ang Rizal ay hanggang 2037,
Sabi ni Sarmiento, oras na isara ang Payatas dumpsite, may 2,700 metric tons nang solid wastes ang itatapon sa ibang lugar araw-araw.
“That’s the amount of solid waste that goes to Payatas alone but Metro Manila actually generates at least 8,400 to 8,600 metric tons of garbage every day. That amount of garbage represents 25 percent of the solid waste that are actually collected all over the country per day. That doesn’t include the amount of garbage that end up in our rivers, creeks and streams, most of which find their way at the Manila Bay,” ani Sarmiento.
Aniya, ang ginawang pagbabawal sa incinerators ay ginawa sa ilalim ng Clean Air Act, dahil sa lumang thermal treatment technologies.