^

Bansa

Medical marijuana pinababasura sa Kamara

Butch Quejada at Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

Baka matulad sa Amerika

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Buhay partylist Rep. Lito Atienza ang kapwa mga kongresista na ibasura ang panukalang batas para maging legal ang ‘medical marijuana’ dahil magiging dahilan umano ito ng pag-abuso at addiction.

Tinukoy ni Atienza ang nangyari sa America dahil sa pag-abuso sa ‘opiods’ na maaring mangyari sa bansa kaya naman mabilis na nagdeklara si US Pres. Donald Trump ng public health emergency sa lumalaking bilang ng hindi tamang paggamit at addiction sa opioids na kumitil sa buhay ng may 91 Kano kada araw.

Giit ng kongresista, hindi malayong mangyari dito sa Pilipinas ang nangyari sa Amerika sa sandaling ireseta na ng mga doktor ang medical marijuana.

Ang dahilan umano ng nasabing krisis ay dahil sa over prescription ng opioids tulad ng oxycodone at fentanyl bilang pain medication na naging dahilan para maging dependent na ang gumagamit nito hanggang sa ma-overdose.

Bukod dito, magkakaroon din ng demand sa marijuana at maging ang mga magsasaka ay magsisimula na rin magtanim nito dahil sa kasiguruhan na magkakaroon ng mga bibili.

Ang House Bill 6517 o an Act Providing Filipinos Right of Access to Medical Marijuana ay inaasahang  pagdedebatehan sa plenaryo sa muling pagbubukas ng kongreso sa Nobyembre 20.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with