Gen. Año itinalaga sa DILG

Magugunita na kamakalawa lamang nagretiro si Gen. Eduardo Año bilang AFP chief of staff at sinabi mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na itatalaga niya bilang susunod na DILG secretary subalit mayroong “1 year ban” kaya ilalagay muna siya nitong undersecretary o presidential assistant on DILG matters. AP/Bullit Marquez, File

MANILA, Philippines — Itinalaga kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang retiradong chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Gen. Eduardo Ano bilang undersecretary ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Magugunita na kamakalawa lamang nagretiro si Gen. Ano bilang AFP chief of staff at sinabi mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na itatalaga niya bilang susunod na DILG secretary subalit mayroong “1 year ban” kaya ilalagay muna siya nitong undersecretary o presidential assistant on DILG matters.

Ang itinalaga na bagong AFP chief ni Pangulong Duterte ay si Lt. Gen. Rey Leonardo Guerrero na nakatakdang magretiro rin sa Disyembre subalit inihayag ng Pangulo na palalawigin niya ang termino nito dahil wala siyang magagawa sa loob ng dalawang buwan sa pagiging lider ng AFP.

Show comments