^

Bansa

Trump ‘di dadalo sa East Asia Summit

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Klinaro kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ulat na hindi dadalo si US Pres. Donald Trump sa East Asia Summit (EAS) na nakatakda sa Nobyembre 14 sa Pilipinas.

Ayon kay Cayetano, darating si Trump sa Manila at dadalo sa mga pulong ng Association on Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit sa Nobyembre 12 hanggang 13 subalit hindi na nito mai-extend pa ang pananatili sa Manila ng hanggang Nobyembre 14 kung saan isasagawa ang EAS.

Magugunitang lumabas sa report na maghapon na lamang sa Nobyembre 12 si Trump mula sa pagdalo sa APEC Summit sa Vietnam at aalis din kinabukasan o Nobyembre 13 kaya hindi na dadalo sa East Asia Summit sa Clark, Pampanga.

Ayon kay Cayetano, talagang isang araw lamang ang pananatili ni Trump sa Pilipinas at kailangang bumalik din ng US dahil bukod sa Vietnam, may mauunang biyahe rin ito sa Japan.

Ipinaliwanag pa ni Cayetano na walang intensyon si Trump na magliban sa EAS at posibleng ang kakatawan na lamang sa kanya ay ang Secretary of State.

“The decision was really that he will be here on 12th, 13th. We tried to accommodate. We tried to fix all the schedules. But since you’re dealing with more than a dozen world leaders plus the Asean, it’s very difficult to get all the schedules together,” ani Cayetano.

Sa kabila nito, sinabi ni Cayetano na ang pagbisita sa bansa at pagdalo sa ASEAN Summit ni Trump ay isang malakas na mensahe at senyales ng magandang pagkakaibigan ng US at Pilipinas.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with