Japan PM Abe, binati ni Digong
MANILA, Philippines — Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Rodrigo Duterte kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa muling pagkapanalo ng partido nito sa ginanap na halalan nitong Linggo sa kanilang bansa, ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella.
“We wish to congratulate HE Prime Minister Shinzo Abe on the results of the elections this weekend. This fresh mandate augurs well for the excellent Philippine-Japan ties. We have many points of collaboration with our neighbor in the North, which include economic, socio-political security and defense cooperation,” ani Usec. Abella sa isang statement.
Muling nagwagi sa malaking margin ang Liberal Democratic Party ni PM Abe kasama ang isang maliit na coalition partner kung saan ay nakuha nito ang 312 seats mula sa 465-seats sa lower house ng parliament.
“We are therefore confident that both countries’ solid and strategic partnership would continue to gain greater strength in the years to come,” dagdag ni Abella.
Ang Japan na isang kaalyado ng Pilipinas ay siyang magpopondo para sa kauna-unahang Metro Manila subway project na nagkakahalaga ng $1.7 bilyon.
Nakatakdang dumalo si Abe sa gaganaping ika-31 ASEAN Summit and Related Summits sa Nob. 13-15 na gaganapin sa Pilipinas.
- Latest