China handang tumulong sa Marawi rehabilitation

MANILA, Philippines — Handang tumulong ang gobyerno ng China sa Pilipinas lalo na sa rehabilitation ng Marawi City kasunod ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya na ang lungsod sa mga terorista.

“Combating terrorism is the shared responsibility of all nations. The Chinese side sincerely hopes that the people in Marawi and the Mindanao region can enjoy the peaceful and tranquil life again at an early date,” pahayag ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Lu Kang.

“China stands ready to continue providing needed support and assistance in light of the needs of the government of the Philippines, including taking an active part in the post-war settlement and reconstruction of Marawi,” dagdag niya.

Matapos mapaslang ng militar sina Isnilon Hapilon at Omar Maute nitong kamakalawa, idineklara kahapon ni Duterte ang pagkalaya ng Marawi City.

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na mangangailangan ang lungsod ng nasa P50 bilyon upang maisaayos ang lungsod.

Umabot na sa P85 milyon ang naibigay na tulong ng China kasama ang ang P15 milyon na pinangtustos sa relief operations sa Marawi nitong Hunyo.

Show comments