De Lima kulong pa rin sa hatol ng SC
MANILA, Philippines – Ibinasura ng Korte Suprema ngayong Martes ang hirit ni Sen. Leila de Lima na ipawalang bisa ang pagkakaaresto sa kaniya dahil sa umano’y kinalaman niya sa ilegal na droga.
Sa botong 9-6, hindi pinayagan ang petisyon ng senadora na naglalayong ipawalang bisa ang criminal proceedings niya sa Muntinlupa Trial Court.
Aniya bilang isang opisyal ng gobyerno ay Sandiganbayan dapat ang dumirinig sa kaniyang kaso. Nag-ugat ang kaso ni de Lima noong kalihim pa siya ng Department of Justice sa ilalim ng nakaraang administrasyon.
En Banc Action: GR 229781The SC, 9-6, DISMISSED Sen. Leila De Lima’s petition for lack of merit; 11 sep opns (5 concurring, 6 dissenting).
— Supreme Court PIO (@SCPh_PIO) October 10, 2017
Kabilang sa mga bumoto na ibasura ang petisyon ni de Lima ay sina:
- Associate Justices Teresita De Castro
- Diosdado Peralta
- Lucas Bersamin
- Mariano Del Castillo
- Samuel Martires
- Noel Tijam
- Andres Reyes
- Alexander Gesmundo
Habang ang mga sumusunod naman ang kumontrang ibasura ito:
- Chief Justice Maria Lourdes Sereno
- Senior Associate Justice Antonio Carpio
- Associate Justices Alfred Benjamin Caguioa
- Estela Bernabe
- Marvic Leonen
Sina Associate Justices Martires, Tijam, Reyes at Gesmundo ay pawang mga appointees ni Pangulong President Rodrigo Duterte.
Sinasabi ni de Lima na siya ang kauna-unahang political prisoner ng administrasyong Duterte.
Kilalang kritiko ng pangulo ang senador kahit noong alkalde pa lamang siya ng Davao City.
- Latest