Financier ng Maute target ng military ops
MANILA, Philippines — Target ngayon ng military operations ang financier ng Marawi siege na si Dr. Mahmoud Ahmad na sinasabing tumatayong lider ng natitira pang Maute-ISIS matapos mapatay ng mga sundalo sina Omar Maute at Isnilon Hapilon kamakalawa.
Si Dr. Mahmoud ang umano’y humalili bilang lider ng ISIS sa Southeast Asia na kasamang nakikipaglaban ng 8 pang foreign fighters at 20 nalalabing Maute sa battle zone.
Ayon kay AFP spokesman B/Gen. Retituto Padilla, si Dr. Mahmoud na isang Malaysian ang itinuturing na high value target ng military na financier ng Marawi siege.
“Malaysian named Dr. Mahmoud Ahmad, who is known financier of the Marawi siege remains to be a high value target. Dr. Mahmoud is a Malaysian academic responsible for the direct linkage of Hapilon to Daesh; gave funding to bankroll siege of Marawi,” pahayag ni Padilla.
Sa kabila nito, minaliit naman ni Padilla ang kapabilidad ni Mahmoud sa bakbakan dahil wala umano itong sapat na kasanayan.
“Dr. Mahmoud is an academic he is not a fighter and his experience in fighting is not as extensive as anyone like Hapilon or the Maute brothers Omar,” ani Padilla.
- Latest