^

Bansa

Marawi City malaya na - Digong

Pilipino Star Ngayon
Marawi City malaya na - Digong

Nagsagawa ng “fist salute” (kanan) ang tropa ng pamahalaan kasabay ng pagdedeklara ni Pangulong Duterte na liberated na ang Marawi City matapos ang matagumpay na pagkakapatay sa dalawang lider ng Maute/ISIS na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute sa assault operations ng militar. AP/Bullit Marquez

MANILA, Philippines — Matapos ang ika-148 araw na bakbakan, idineklara na kahapon ni Pangulong Duterte na ‘liberated’ o malaya na ang Marawi City mula sa kuko ng terorismo matapos mapaslang ang lider ng Maute group na si Omar Maute at emir ng Southeast Asia na si Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon.

Pinangunahan mismo ni Pangulong Duterte ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa loob ng main battle area sa Marawi sa kanyang ika-pitong pagdalaw sa lungsod.

“Ladies and gentlemen, I hereby declare Marawi City liberated from the terrorist influence that marks the beginning of rehabilitation,” pahayag ni Pangulong Duterte.

Siniguro rin ng Pangu­lo sa mga Maranao na walang iwanan hanggang sa muling makabangon ang Marawi City mula sa pagkawasak sanhi ng terorismo.

Inihayag naman ni AFP Chief Gen. Eduardo Año na maari nang simulan ang ikalawang bahagi ng operasyon o ang assessment sa naging pinsala na isasagawa ng Task Force Bangon Marawi o ang rehabilitasyon at pagtatayo ng mga nawasak na gusali sa lungsod.

Nilinaw naman ni AFP Spokesman Major Gen. Restituto Padilla na magpapatuloy pa rin ang ope­rasyon upang lipulin ang nalalabing 30 Maute-ISIS at mabawi ang natitira pang mahigit 20 hostages sa battle area.

“The declaration (Ma­rawi liberation) has been made but the fight for the remaining armed members that are stil in the area continues and based on the ground commanders’ assessment it is most likely that the President has been briefed that the this is a matter of time that will happen soon,” ani Padilla.

Idinagdag pa ni Padilla na pilay na ang Maute-ISIS at karamihan sa mga nalalabing fighters nito ay mga sugatan, nauubusan na ng bala at supply ng mga pagkain.

Kaugnay nito, hinimok ng Malacañang ang natitirang miyembro ng Maute- na ibaba ang kanilang mga armas at sumuko sa gobyerno.

Inimbitahan ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang mga terorista na sumuko na lamang sa gobyerno at makiisa sa pagtataguyod ng kapayapaan sa Marawi City.

“With terrorist leaders gone, we call on all fighters to cease further resistance and violence and return to the road of peace. This is also the call of our Muslim leaders, our imams, ARMM, MNLF, MILF chiefs, and the leaders of Muslim nations and this is the plea of your families, friends, and communities,” sabi ni Abella.

Simula ng sumiklab ang krisis sa lungsod ng Marawi noong Mayo 23 ay nasa 826 Maute na ang napapatay, 162 ang nagbuwis ng buhay sa tropang gobyerno habang 47 ang namatay na sibilyan.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with