Marawi malaya na! – Digong

MANILA, Philippines — Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Martes ang pagkakalaya ng Marawi City mula sa mga terorista.

"Ladies and gentlemen, I hereby declare Marawi City liberated from the terrorist influence that marks the beginning of rehabilitation," pahayag ni Duterte sa ika-148 na araw ng kaguluhan.

Idineklara ito ni Duterte kasunod ng pagkakapaslang sa mga nanguna sa kaguluhan na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Nagsimula ang kaguluhan noong Mayo 23 nang sugurin ng ISIS-inspired group ang lungsod noong Mayo 23.

Dahil dito ay isinailalim ng pangulo ang buong Mindanao sa martial law kung saan sinuspinde rin ang wri of habeas corpus.

Sa kabila ng kalayaan ng lungsod, mananatili naman ang martial law hanggang Disyembre 2017.

Umabot sa 824 terorirsta ang napaslang, habang 162 naman ang nalagas sa hanay ng gobyerno.

Susunod namang susugpuin ng militar ang Abu Sayyaf group at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

Show comments