^

Bansa

2018 nat’l budget, ‘pork free’ – solon

Gemma Garcia at Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ni  House Appropriations Committee chairman Karlo Alexei Nograles ang umano’y akusasyon ni Senador Panfilo Lacson na may “pork barrel” pa rin ang 2018 national budget.

 Ayon kay Nograles, “pork free” ang budget taliwas sa pahayag ni Lacson na ang pondo para sa Right Way ng mga proyekto ng gob­yerno ang pinagkukunan ng pork barrel ng mga kongresista.

“Katulad ng nakaraang taon, sa taong ito at sa susunod na taon, inuulit ko ang aking posis­yon na ang pambansang badyet ay ‘pork barrel free.’ sabi ni Nograles.

 Paliwanag pa ng kongresista, mahigpit na sinusunod ng Kamara ang desisyon ng Korte Suprema na nagdekla­rang “unconstitutional” ang pork barrel o lump sum at discretionary funds na maaaring makontrol ng mga mambabatas sa pamamagitan ng panghihimasok sa implementasyon ng mga proyekto.

 Bukod dito, lahat din umano ng proyekto at programa ay itemized na sa ilalim ng budget at dumaan sa transparent na deliberasyon.

 Nilinaw pa ni Nograles, na wala ni isa man sa mga kongresista ang maaaring manghimasok sa paggamit ng pondo sa ilalim ng 2018 General Appropriations lalo na sa implementasyon ng mga proyekto na ipinauubaya nang lubos sa ehekutibo.

Nirerespeto rin umano nila ang posisyon ni Pa­ngulong Duterte laban sa pork barrel.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with