^

Bansa

Gun ban simula na

Gemma Garcia at Doris Borja - Pilipino Star Ngayon
Gun ban simula na

Nagsagawa ng checkpoint ang mga pulis sa mga motoristang dumaraan sa University Avenue sa UP Diliman, Quezon City sa pagsisimula kahapon ng gun ban kaugnay ng Barangay at Sk election. Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde ang publiko na simula na ang total gun ban sa buong bansa dahil sa Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Ayon kay Albayalde, nangangahulugan ito na wala nang maaring magbitbit ng baril sa labas ng bahay.

Alas ?12:01 kahapon ng madaling araw ay sini­mulan na ng pulisya ang checkpoints sa iba’t ibang lugar sa buong bansa.

Nauna na rin inanunsiyo ng Commission on Elections (Comelec) na opisyal nang nagsimula ang panahon ng eleksyon sa kabila ng panukalang pagpapaliban ng halalan hanggang sa ikalawang linggo ng Mayo 2018.

Iginiit naman ni Alba­yalde na mas paiigtingin pa ng PNP ang kanilang checkpoints gayundin ang police visibility sa buong bansa.

Pinaalalahanan din niya ang publiko na hindi kailangan kapain o halug­hugin ang mga gamit ng pasahero at motorista sa halip ay plain view doctrine lang ang ipapatupad.

Tatagal ang nationwide gun ban hanggang Oktubre 30 subalit maa­ring ipatigil kung hindi matutuloy ang Brgy. at Sk Elections nga­yong taon.

Sa ilalim ng gun ban ay pansamantalang ma­wawalang bisa ang permit to carry (PTC) ng isang pribadong indibidwal at tanging mga pulis at militar lamang ang pinapayagang magdala ng baril habang umiiral ang nasabing kautusan.

Maari namang maharap sa anim hanggang 12 taon pagkakabilanggo ang sinumang mahuhuling lumabag sa kautusan.

Samantala, ipina­ala­la naman ni Comelec Spokesman James Jime­nez sa mga interesadong kumandidato na magsisi­mula ang filing ng certificate of candidacy sa ?October 5-11 habang aarangkada ang campaign period sa ?October 12-21.

Handa na ang Come­lec para sa Barangay at Sangguniang Kabataan polls sa Oktubre 23.

Ito’y kahit pa naka-umang na sa Malacañang at posibleng lagdaan na ni Pangulong Duterte ang panukalang batas na magpapaliban sa nasabing halalan.

Paliwanag ni Jimenez, hangga’t walang nilalagdaang batas ay magpapatuloy ang preparasyon ng poll body para sa Barangay at SK polls.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with