MANILA, Philippines – Isang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ang nasawi sa shooting incident sa loob ng Malacañang compound ngayong Martes.
Kinilala ni PSG chief Lope Dagoy ang biktimang si Major Harim Gonzaga.
Sinabi ni Dagoy na natagpuang patay si Gonzaga sa loob ng kanilang quarters ganap na 8:50 ng umaga.
READ: PSG kinumpirma ang shooting incident sa Malacañang Park
May tama ng bala sa dibdib ang 37-anyos na biktima.
Wala namang nakitang foul play ang mga imbestigador ngunit hindi naman matiyak ni Dagoy kung nagpakamatay si Gonzaga.
READ: PSG's press statement on death of officer inside his quarters located inside Malacanang Park. pic.twitter.com/zAloKkw5KJ
— christina mendez (@xtinamen) September 26, 2017