MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng Presidential Security Group (PSG) ang shooting incident sa loob ng Malacañang compound ngayong Martes ng umaga.
Kinumpirma ni PSG spokesperson Lt Col Michael Aquino na mayroong barilan na naganap at isang opisyal ang sugatan.
Tiniyak naman ni Aquino na maglalabas sila ng kabuuang detalye sa insidente.
PSG probes shooting incident inside Malacanang Park | @xtinamen
— The Philippine Star (@PhilippineStar) September 26, 2017