Impeachment vs Sereno pinababasura

Hiniling ni Supreme Court Justice Maria Lourdes Sereno sa Ma­babang Kapulungan ng Kongreso na ibasura ang nakahaing impeachment complaint laban sa kanya dahil sa kawalan ng sapat na basehan. SC PIO/Released, File

MANILA, Philippines —  Hiniling ni Supreme Court Justice Maria Lourdes Sereno sa Ma­babang Kapulungan ng Kongreso na ibasura ang nakahaing impeachment complaint laban sa kanya dahil sa kawalan ng sapat na basehan.

Sa 85-pahinang “verified reply” na inihain sa Kamara, pinababasura ni Sereno ang impeachment complaint na inihain ni Atty. Lorenzo Gadon dahil sa walang katotohanan ang lahat ng mga alegasyon na ipinupukol laban sa kanya.

Sinabi ng lead counsel ng Punong Mahistrado na si Atty. Alexander Pob­lador, dapat ay may personal knowledge o base sa authentic records at dokumento  ang basehan ng impeachment complaint at hindi base lang sa newpaper reports o article.

Giit pa ni Poblador, kung susuriin ang mga dokumento na hawak ni Gadon na nakuha niya sa Korte Suprema, hindi nito sinusuportahan ang mga akusasyon at nakabase lamang sa ulat sa mga pahayagan.

Iginiit ni Sereno na hindi siya lumabag sa Kons­titusyon sa pamamagitan pamemeke ng anumang resolusyon, temporary restraining order o  issuance ng SC dahil lahat ng ito ay dumaan sa en banc at dina-draft lamang ng punong mahistrado. Wala rin umano siyang ginawang ”internally delay” sa mga petitions para sa requirments o survivor be­nefits na ang aplikasyon ay kailangan para madesisyunan ng SC bilang collegial body.

Iginiit pa ng abogado ni Sereno na lahat  ng ari-arian ng kanyang kliyente ay naideklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net (SALN) at nagbayad ng kaukulang buwis mula sa kanyang kita na natanggap mula sa kaso ng PIATCO. Wala rin umanong katotohanan na may korupsyon si Sereno dahil lamang sa pagbili ng Toyota Land Cruiser.

Show comments