VACC kinasuhan si Hontiveros ng child abuse, kidnapping
MANILA, Philippines — Nahaharap ngayong sa patung-patong na kaso si Sen. Risa Hontiveros dahil sa pagkuha sa kaniyang kustodiya ng mga testigo sa pagpatay kay Kian delos Santos.
Inireklamo ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa pangunguna ni dating Negros Oriental Rep. Jing Paras si Hontiveros ng kidnapping, obstruction of justice at child abuse.
Nag-ugat ang kaso matapos kunin sa kaniyang pangangalaga ang tatlong testigo, kabilang ang dalawang menor de edad, sa kaso ni delos Santos na pinatay ng mga pulis-Caloocan.
PANOORIN: Aguirre nahuling ka-text ang VACC para kasuhan si Hontiveros
Sinabi ng VACC na tumangging si Hontiveros na ibalik sa mga magulang ang mga testigo.
Kinasuhan din ang senadora ng wiretapping matapos isiwalat ni Hontiveros sa kaniyang privilege speech ang text message sa pagitan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre at ng isang taga-VACC na kalaunan ay nakilalang si Paras.
Nabasa sa pinamamadali ni Aguirre ang isasampang kaso laban kay Hontiveros.
BASAHIN: Privilege speech ni Hontiveros, nanawagan sa pagbibitiw ni Aguirre
Inalmahan ito ni Aguirre at sinabing nalabag ang kaniyang right to privacy, ngunit hindi naman niya itinanggi o kinumpirma ang nahuli sa text message.
- Latest