MANILA, Philippines — Muling dinepensahan ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa international community ang kampanya laban sa ilegal na droga ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“The Philippines comprehensive campaign against illegal drugs is a necessary instrument to preserve and protect the human rights of all Filipinos,” sabi ni Cayetano sa kaniyang talumpati sa 72nd United Nations General Assembly na tumagal ng 25 minuto.
Aniya wala ring nalabag na karapatang pantao ang giyera ng gobyerno laban sa ilegal na droga na itinuring na “epidemic” dahil sa lawak ng pinsala nito sa bansa.
Sinabi ni Cayetano na nasa 59 percent ng 42,036 na barangay ang sangkot sa illegal drug trade.
Itinuturing na drug affected ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang barangay kapag meron drug laboratory, drug den at mga gumagamit nito.
Aniya may kinalaman din ang illegal drug trade sa terorismo tulad nang nangyaring kaguluhan sa lungsod ng Marawi.
"We can no more live with drugs than with terrorism, which, the United Nations admits, and as we have discovered is funded by the drug trade. This has created the new phenomenon of criminal insurgency,” sabi ni Cayetano.