MANILA, Philippines — Inaasahang dadami ang gagalang mga kabataan o menor de edad sa lungsod ng Maynila at Navotas.
Ito’y matapos na ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang ipinatutupad na ordinansa ng pamahalaang lungsod ng Maynila at Navotas.
Idineklara ng SC en banc na unconstitutional at null and void ang ordinansa ng City of Manila na may titulong “An Ordinance Declaring the Hours from 10:00PM to 4:00AM of the Following Day as ‘Barangay Curfew Hours’ for Children and Youths Below 18 Years of Age; Prescribing Penalties Therefor; and for Other Purposes”) at Navotas City na “Nagtatakda ng ‘Curfew’ ng mga Kabataan na Wala Pang Labing Walong (18) Taong Gulang sa Bayan ng Navotas, Kalakhang Maynila”.
Gayunman, mananatili ang pagpapatupad ng curfew sa lungsod ng Quezon o Ordinance No. SP-230 entitled “An Ordinance Setting for a [sic] Disciplinary Hours in Quezon City for Minors from 10:00PM to 5:00AM, Providing Penalties for Parent/Guardian, for Violation Thereof and for Other Purposes”.
Sa desisyon ng SC, tanging ang QC ang nakapagbigay ng maayos na paliwanag kung bakit dapat na ipatupad ang curfew.
Kailangan na ipakita ng Maynila at Navotas ang pangangailangan sa implementasyon ng curfew at hindi lalabag sa constitutional rights ng mga menor de edad.
Hindi dapat na masyadong limitado ang pagpapatupad ng curfew.