Child restraint bill, aprub na

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng House Committee on Transportation ang panukalang batas na nag-aatas sa mga motorista para maglagay at gumamit ng child restraint o child safety seat sa kanilang mga sasakyan.

Ito ay para masiguro ang kaligtasan ng mga menor-de-edad habang nasa loob ng sasakyan at habang nasa biyahe.

Sa ginanap na botohan ng komite, 11 ang bomoto na pabor sa panukala habang dalawa ang tutol dito kabilang sina Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe at Albay Rep. Fer­nando Gonzales.

Sa ilalim ng panukala, ang mga batang may edad labindalawang taong gulang pababa ang dapat gumamit ng child safety seat sa loob ng sasakyan pribado at pampubliko.

Subalit sinabi ni Batocabe na masyadong katawa-tawa ito dahil hindi praktikal ang child safety seat sa Public Utility Vehicles (PUVs)

Hindi umano makatwiran na i-pattern ito sa child res­traint policy sa ibang bansa dahil ibang-iba ang kultura rito bukod pa sa ibang-iba rin ang uri ng PUVs sa abroad dahil wala naman doon na jeep o tricycle.

Show comments