MANILA, Philippines — Hindi dapat hinuhuli ng Metro Manila Development Authority ang mga mambabatas nang dahil lamang sa mga maliit o minor traffic violation sa lansangan.
Sa pagdinig ng House of Representatives committee on transportation, sinabi ni Fariñas na malinaw sa ilalim ng Saligang batas na immune sa aresto ang mga mambabatas kung may sesyon ang kongreso.
“Please read Section 11, Article VI of the Constitution. It’s called Parliamentary Immunity that is universally accepted”, ayon kay Farinas sa isang viber message.
Paliwanag pa ng Majority leader, maliban na lamang kung ang kaso o paglabag ay may katumbas na parusang pagkakakulong ng anim na taon o higit pa.
Subalit kung masangkot umano sila sa traffic violations ay hindi na sila dapat pang dalhin pa sa presinto bunsod na rin sa abalang idudulot nito sa kanilang trabaho.
Giit pa ni Fariñas, kahit na kaunting delay umano sa kanila ang lansangan ay malaking bagay na dahil maaari silang mahuli sa mga botohan at iba pang trabaho sa Kamara.
Ang kailangan lamang umano ay magpakilala silang kongresista at kapag napatunayan ito ng traffic enforcer ay hindi na sila kailangan pang dalhin sa presinto.