^

Bansa

Taguba tinanggalan na ng security

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Taguba tinanggalan na ng security

Sa panayam sa DWIZ, sinabi ni Sen. Richard Gordon na hindi naman umano kailangan ni Taguba ng proteksiyon dahil may kaya naman ito at dating pulis din ang kanyang ama. File

MANILA, Philippines — Inalisan na ng Senado ng security si Mark Ruben Taguba II, ang Customs fixer na nagdawit sa ilang opisyal ng Bureau of Customs sa shipment ng P6.4 bilyong halaga ng shabu muna sa China.

Sa panayam sa DWIZ, sinabi ni Sen. Richard Gordon na hindi naman umano kailangan ni Taguba ng proteksiyon dahil may kaya naman ito at dating pulis din ang kanyang ama.

“Yes (wala sa Senate custody). Hindi na siya kailangang proteksiyunan. May kaya sila, dating pulis ang tatay niya. Inalis na ang Senate protective custody sa kanya,” pahayag ni Gordon.

Si Senate Majority Leader Tito Sotto ang nagsulong na ilagay si Taguba sa proteksyon ng Senado ng magsalita tungkol sa nalalaman niya sa shipment ng shabu na agad namang inaprubahan ni Gordon.

Pero ayon sa isang source, tinanggal sa protective custody ng Senado si Taguba ng idawit ang pangalan ni Vice Mayor Paolo Duterte sa Davao Group na sinasabing mabilis na nakakapagpalabas ng mga shipment sa BOC.

Ipinagtataka naman ni Sen. Panfilo Lacson kung bakit inalis sa protective custody ng Senado si Taguba ng mabanggit ang tungkol sa Davao Group.

Paliwanag ni Gordon na opinyon ito ni Lacson at hindi na ito kailangang sagutin ng komite.

Ayon pa kay Gordon, hindi na niya kinonsulta ang komite sa pagtanggal ng protective custody kay Taguba dahil nagkukulang na siya sa guwardiya.

“Well, hindi ko na kinonsulta dahil nagkukulang kami ng guwardiya dahil apat yong taong pinapadala sa kanya. Gumagastos pagkatapos nagpapalit-palit siya, nagsisinungaling siya kung minsan,” sabi pa ni Gordon.

Dagdag ni Gordon, hindi umano dapat bigyan ng proteksiyon ang sinungaling.

Nakatakdang ipagpatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon sa nasa­bing shabu shipment.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with