MANILA, Philippines — Sinasabotahe ang Philippine News Agency ( PNA).
Ito ang inihayag ni PNA supervising Undersecretary Joel Egco matapos ang pinakahuling aberya na nangyari sa website ng ahensya.
Kasabay nito, nagpasaklolo na sa National Bureau of Investigation (NBI) si Egco hinggil sa nangyayaring pananabotahe sa PNA.
Sa ginawang pulong balitaan sa Maynila sinabi ni Egco na isang IP address na nagmula sa Pasay ang pilit na pumapasok sa website ng ahensya.
Ito ang nakikita nilang dahilan sa pinakahuling aberya na nailathala sa PNA website kung saan sinadya aniyang i-upload ang mga usapan ng mga editors at ng mga repor-ters ng ahensya.
Kasalukuyan na lamang inaantay ni Egco ang magiging sagot ng NBI sa tulong na kanilang hiningi para mapanagot ang suspek sa naturang insidente.
Inamin naman ng opisyal na hawak na niya ang pangalan ng tao na nasa likod ng pananabotahe sa ahensya kasabay ng pagtiyak na pagbabayaran nito sa batas ang kanyang ginawa.