^

Bansa

EJK ipabubusisi ng Speaker sa House

Gemma Garcia at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
EJK ipabubusisi ng Speaker sa House

Ayon kay House of Representatives Speaker Pantaleon Alvarez, ka­ila­ngang malaman ng kongreso kung ang mga pagpatay lalo na ang mga menor de edad ay bahagi ng pananabotahe sa administrasyong Duterte. Facebook/Speaker Pantaleon Alvarez

MANILA, Philippines — Nais ni House of Representatives Speaker Pantaleon Alvarez na paimbestigahan na sa Kamara ang mga kaso  ng extra judicial killings  sa bansa lalo na sa mga menor-de-edad.

Ayon kay Alvarez, ka­ila­ngang malaman ng kongreso kung ang mga pagpatay lalo na ang mga menor de edad ay bahagi ng pananabotahe sa administrasyong Duterte.

Giit pa ng Speaker, baka ang mga ganitong pagpatay ay kagagawan ng mga drug lords o mga pulitiko na nais na sulsulan ang publiko para magalit sa pamahalaan at mag-aklas.

Iniimbestigahan na rin ng Philippine National Police ang umano’y pananabotahe sa drug campaign ng pamahalaan kabilang ang mga sindikato ng droga at mga kalaban ng admi­nistrasyon.

 Sinabi ni P/Deputy Director General Fernando Mendez Jr., Deputy Chief for Operations ng PNP, na ang hakbang ay base sa naging pahayag ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na mayroon umanong mga nagtatangkang manabotahe sa tumitindi at mas pinaigting na giyera kontra droga ng kaniyang admi­nistrasyon.

Ayon sa opisyal, eto ay matapos ang sunud-sunod na pagkakapatay sa mga menor de edad na mga ka­bataan na may kinalaman umano sa illegal na droga at iilang mga pulis na umano’y umaabuso sa kanilang mga operasyon. 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with