Bagyo sa labas ng PAR, inaasahang papasok ngayong hapon

MANILA, Philippines — Isang bagyo sa labas ng Philippine area of responsibility ang binabatayan ng state weather bureau na inaasaahang papasok din ngayong Lunes ng hapon.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyong may international name “Talim” sa 1,300 kilometro silangan ng hilagang Luzon.
Taglay ni Talim ang lakas na 120 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 145 kph, habang gumagalaw pa kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 25 kph.
Wala pa namang direktang epekto ang bagyo sa bansa.
Kapag tuluyang pumasok sa PAR ang bagyo ay pangangalanang itong “Lannie.”
Inaasahan ding lalakas pa ang bagyo sa pagpasok nito.
Samantala, isang low pressure area ang binabantayan din sa 400 kilometro silangan ng Quezon province.
Apat na bagyo naman ang inaasahang papasok sa bansa ngayong Setyembre.
- Latest