TINGNAN: Litrato nina Paolo Duterte, Charlie Tan at Kenneth Dong ipinakita ni Trillanes
MANILA, Philippines – Ipinakita ni Sen. Antonio Trillanes ngayong Huwebes ang mga litrato ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte kasama ang umano’y smuggler na si Charlie Tan at umano’y middleman sa P6.4 bilyon shabu shipment Kenneth Dong.
Sa patuloy na pagdinig ng Senate Blue Ribbon committee sa paglusot ng shabu sa Bureau of Customs, ipiniresenta ni Trillanes ang mga litrato upang ipakita kung gaano kalapit at magkakakilala ang tatlo.
Inamin naman ni Duterte na kaibigan at kainuman niya si Tan.
Sa nakaraang pagdnig naman ay sinabi ni Dong na kilala niya si Duterte ngunit hindi sila “close” at mahilig lamang magpa-picture.
Pinaniniwalaang miyembro ng “Davao group” si Duterte ngunit wala namang ebidensya na nagpapatunay dito.
Inakusahan din ni Trillanes na miyembro ng “triad” si Duterte base sa nakuhang impormasyon.
May dragon na tattoo umano ang mga miyembro ng triad. Inamin naman ni Duterte na meron siyang tattoo sa likod ngunit tumangging ipakita ito.
- Latest