Universal Health care bill aprub na
MANILA, Philippines — Lusot na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kamara ang panukalang Universal Health coverage.
Sa botong 222 na yes at 7 no ay nakalusot ang House Bill 5784.
Ayon kay Kabayan Rep. Harry Roque, na ang Universal Health care bill ay nagbibigay pagpapahalaga sa right to health ng bawat Pilipino.
Nakasaad sa panukala ang pagtatakda na kailangang maibigay sa mga Pilipino ang lahat ng uri ng serbisyong pangkalusugan.
Kabilang na rito ang inpatient, outpatient at emergency care services maging ang dental at mental health services.
Sa ilalim din ng panukala ang PhilHealth ay ire-reconstitute bilang Philippine Health Security Corporation.
Magkakaroon naman ng dalawang uri ng membership dito, una ang contributory o iyong mga nagbabayad na public at private workers.
Ikalawa ay ang non-contributory o iyong mga hindi nagbabayad ng kontribusyon tulad ng mahihirap.
Itinatakda din ng panukala na mananatili sa mga government health facilities ang kanilang kita para magamit ito sa pagpapataas ng kalidad ng kanilang serbisyo.
Ang nasabing panukala ay isa sa priority measure ng Duterte administration.
- Latest