Compromise sa pamilya Marcos ‘di pwede

MANILA, Philippines — Hindi maaaring maki­pag-kompromiso si Pa­ngulong Duterte sa pamil­ya Marcos kapalit ang pananagutan nila sa batas.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman na malinaw sa jurisprudence na ang criminal liability ay hindi maaaring maging subject ng compromise.

Inihalimbawa ni Lagman na base sa Chavez vs PCGG, pinawalang bisa ng Korte Suprema ang isang compromise agreement dahil binibigyan nito ng immunity sa criminal prosecution ang mga Marcos.

Paliwanag pa ng kongresista, ang pagbibigay ng immunity sa nagnakaw sa bayan ay mockery ng katarungan at insulto sa sambayanang Pilipino.

Hindi rin umano katanggap-tanggap na ikinukunsidera ng Pangulo na bigyan ng immunity ang mga ito kapalit lamang ng ilang gold bars.

Una nang iginiit ni Pa­ngulong Duterte na hindi papayag ang mga Marcos na magbabalik sa mga hinahabol na yaman kung ikukulong naman sila.

Ayon pa sa Pangulo, hindi mga bobo ang mga Marcos na magsasauli ng yaman at magpapakulong.

Pero bahala na raw ang Kongreso kung bibigyan ng immunity ang mga Marcos pero kung hindi, aasahan daw na walang mangyayaring deal sa gobyerno.

Show comments