^

Bansa

Mariano laglag sa CA bilang DAR sec.

undefined - Pilipino Star Ngayon
Mariano laglag sa CA bilang DAR sec.

DAR Sec. Mariano

MANILA, Philippines — Tuluyan nang ibinasura kahapon ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni Department of Agrarian Reform Sec. Rafael Mariano.

Ito’y matapos mai­salang ang 10 oppositors sa kumpirmasyon ni Mariano.

Si Mariano na ang ika-apat na na-reject sa cabinet members ng Duterte administration.

Ang iba pang hindi nakalusot sa CA ay sina dating Social Welfare Sec. Judy Taguiwalo, Environment Sec. Gina Lopez at Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay Jr.

Naniniwala naman si Mariano na nanaig ang interes ng mga negos­yanteng may-ari ng mga malalaking lupain kaya siya nabigong makalusot sa CA.

Kilala ang kalihim na nasa panig ng makakaliwang grupo, bago pa man ito naitalaga ni Pangulong  Duterte bilang DAR secretary.

Ikinalungkot naman ng Malacañang ang naging desisyon ng CA sa appointment ni Mariano.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, nakapanghihina­yang dahil commitment pa naman ni Mariano ang pagpapabuti sa kabuhayan ng mga magsasaka sang-ayon sa direksyon ng Duterte administration.

Ayon kay Abella, isinulong ni Mariano ang proteksyon sa karapatan at kapakanan ng mga magsasaka at pagtiyak sa kanilang security of land tenure.

Sa kabila nito, patuloy aniyang pasasalamatan ng sambayanan ang dedikasyon at pursigidong serbisyo ni Mariano sa bayan.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with