MANILA, Philippines - Umapela si House Appropriations Committee Chairman Karlo Alexei Nograles sa kanyang mga kasamahan sa Kamara na agad aprubahan ang P3.7 trillion 2018 national budget. Sa sponsorship speech ni Nograles, sinabi niya na ang nakalatag na 2018 budget ay para sa pagtamo ng mga targets ng Duterte administration hanggang 2022 kung saan kabilang na dito ang pagbaba sa 14% ng antas ng kahirapan mula sa kasalukuyang 21.6% , katumbas ito ng pag-ahon sa kahirapan ng 6 milyong Pilipino. Gayundin ang pagbaba sa 3% hanggang 5% ng unemployment mula sa kasalukuyang 5.5% at pagtaas ng kita ng bawat Pilipino.