MR. & MS. Chinatown kokoronahan

Mr. and Ms. Chinatown 2016, Jan Louie Ngo (2nd from left) at Shirley Mae Vy (third from left).
MANILA, Philippines - Gaganapin ngayong gabi (September 1, 2017) ang Grand Coronation Night para sa tatanghaling Mr. and Ms. Chinatown 2017 sa The Theatre ng Solaire Resort and Casino sa Paranaque City.
Ang ikaapat Mr. and Ms. Chinatown pageant ay pinangungunahan ng Miss Chinatown Foundation, isang grupong naglalayong ibahagi ang kulturang Tsino sa mga Pilipino. Kasama rin sa kanilang adhikain ang promosyon ng edukasyon at kalusugan.
Noong 2016, tinanghal sina Jan Louie Ngo, 22, at Shirley Mae Vy, 24, bilang Mr. and Ms. Chinatown Philippines sa makulay na grand finals na ginanap sa New Performing Arts Theater ng Resorts World Manila. First runner-up naman sina Lin Zeng at Sherwin Yao.
Tubong Tacloban City, si Shirley Mae ay isang Universal Records artist, samantalang si Jan Louie ay graduate ng Management of Financial Institutions sa De La Salle University.
Mapapanood ang delayed telecast ng Mr. and Ms. Chinatown sa ABS-CBN sa September 10.
- Latest