MANILA, Philippines – Isang low pressure area (LPA) sa Cagayan ang binabantayan ng state weather bureau dahil sa tsansa nitong maging bagyo.
Huling namataan ng PAGASA ang LPA sa 85 kiloemtro silangan ng Aparri kaninang alas-10 ng umaga.
Katamtaman hanggang paminsan-minsan na malakas na buhos ng ulan ang inaasahan sa hilagang Luzon na maaaring magdulot ng flash floods at landslides.
Kung tuluyan itong maging bagyo ay pangangalanan itong “Kiko” ang pang-11 ngayong taon.