Ombudsman pasok na sa Kian slay probe
MANILA, Philippines - Sinimulan na ng Ombudsman ang pag-iimbestiga sa kaso ng pagpatay sa 17-anyos na estudyanteng si Kian Loyd delos Santos.
Sinabi ni Conchita Carpio-Morales na dumalo sa 2018 national budget hearing sa Senado kahapon, na sinimulan na rin nilang padalhan ng subpoena o imbitasyon ang mga testigo upang magbigay ng sinumpaang salaysay sa pagkakapatay ng mga pulis kay delos Santos matapos ang drug operation sa Brgy. 160, Caloocan City noong gabi ng Agosto 16.
Ayon naman kay Senate Minority Leader Franklin Drilon na kinumpirma sa kanya ng Ombudsman na mayroon silang “concurrent jurisdiction” sa kaso ni delos Santos at nagsasagawa na sila ng pagsisiyasat.
Sasailalim sa imbestigasyon ng Ombudsman ang tatlong pulis na sina PO3 Arnel Oares, PO1s Jeremias Pereda at Jerwin Cruz na kasalukuyang nasa restrictive custody ng PNP.
- Latest