Sakripisyo ng mga bayani isapuso - Digong

Makikita ang mga caretaker ng Mausoleum of the Veterans of the Revolution sa Manila North Cemetery habang ibinababa ang sira-sirang watawat para palitan ng bago, kaalinsabay na rin sa paggunita ngayon ng National Heroes Day. (Edd Gumban)

MANILA, Philippines - Hiniling ni Pangulong Duterte sa sambayanang Filipino na isapuso at isa­buhay ang sakripisyo ng mga bayani sa paggunita sa National Heroes Day sa araw na ito.

Sinabi ng Pangulo, hindi dapat mabalewala ang ginawang pag-aalay ng buhay ng mga bayani upang makamit ng bansa ang kalayaan.

Idinagdag pa ng Pa­ngulo, dapat lamang na bigyang-halaga ng bawat Filipino ang ipinaglaban ng mga bayani lalo ang paglaban sa kriminalidad at kahirapan.

“As we commemorate the life and works of our national heroes, we must continue to embrace their ways in our daily undertakings. Let us emulate their example as we continue to realize our ideals and aspirations for ourselves and our country,” pahayag pa ng Pangulo sa kanyang mensahe sa sambayanang Filipino.

 

Show comments