Sakripisyo ng mga bayani isapuso - Digong
MANILA, Philippines - Hiniling ni Pangulong Duterte sa sambayanang Filipino na isapuso at isabuhay ang sakripisyo ng mga bayani sa paggunita sa National Heroes Day sa araw na ito.
Sinabi ng Pangulo, hindi dapat mabalewala ang ginawang pag-aalay ng buhay ng mga bayani upang makamit ng bansa ang kalayaan.
Idinagdag pa ng Pangulo, dapat lamang na bigyang-halaga ng bawat Filipino ang ipinaglaban ng mga bayani lalo ang paglaban sa kriminalidad at kahirapan.
“As we commemorate the life and works of our national heroes, we must continue to embrace their ways in our daily undertakings. Let us emulate their example as we continue to realize our ideals and aspirations for ourselves and our country,” pahayag pa ng Pangulo sa kanyang mensahe sa sambayanang Filipino.
- Latest