^

Bansa

Kabataan representative kay Aguirre: You’re living under a rock

Christian Imperio - Pilipino Star Ngayon
Kabataan representative kay Aguirre: Youâre living under a rock

Hindi ikinatuwa ni Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago ang naging pahayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa pagkamatay ni ng 17-anyos na si Kian delos Santos. Facebook/Kabataan Party-list

MANILA, Philippines – Dismayado si Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II matapos niyang tawagin na “isolated case” ang brutal na pagkamatay ng 17-anyos na si Kian delos Santos sa kamay ng mga pulis sa Caloocan City.

Sa gitna ng budget hearing ng Kamara sa Department of Justice para sa taong 2018, pinasaringan ni Aguirre ang mga grupo na umano’y pinalalaki lamang ang isyu ng pagkamatay ni delos Santos.

"Blown out of proportion in the media ito. Kaya akala mo napakalaki na. Isa lang siya sa thousands na pang-aabuso ng pulis kung talagang may-pang aabuso," giit ni Aguirre.

Ngunit hindi ito pinalagpas ni Elago at tinawag na “hindi katanggap-tanggap” ang naging pahayag ni Aguirre.

Aniya bukod kay delos Santos ay may iba pang kaso ng mga kabataan na napapatay nang dahil sa kampanya kontra ilegal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dagdag niya na may mga nauna nang kabataang nadamay sa kampanya ng pangulo kabilang na dito ang apat na taong gulang na si Althea Barbon na napatay kasama ang kaniyang ama noong Setyembre 1, 2016 at isang binata at sanggol na namatay naman sa Maguindanao bunsod din ng nasabing kampanya kontra droga.

“I can’t help but think that the good secretary has been living under a rock,” pahayag ni Elago.

Dumipensa naman si Aguirre na ang kaso lamang ni delos Santos ang may malinaw na ebidesya laban sa mga pulis.

“Kaya ko sinabing isolated case itong kay Kian delos Santos sapagkat ito lamang po ang very clear na sinadya ng mga pulis ang pagpatay,” paliwanag ni Aguirre

“‘Yun pong sinasabi ninyo na mga insidente, namatay po diyan ‘yung mga kabataan by way of crossfires, pero hindi po sinadya at hindi po natin nalaman,” dagdag ng kalihim.

Samantala, sinabi naman ni Elago na nakakabahala na tawagin na lamang “collateral damage” ang mga namamatay sa giyera kontra droga ng pangulo.

“We get used to be tag as mere collateral damage. ‘Yan po ay murder sa bahagi ng mga kabataan at lahat ng mga biktima kaya ang panawagan namin hindi lang hustisya para naman kay Kian, kung hindi hustisya para doon sa mga biktima ng napakadugo na giyera kontra droga na ito,” wika ni Elago.

Ikinagalit ng nakararami ang brutal na pagkamatay ni delos Santos makaraang lumutang ang isang CCTV footage na nagpapakita na may dalawang pulis ang sapilitang dinala ang binata sa isang eskenita kung saan kinalauna’y natagpuan itong nakasubsob at wala ng buhay.

Taliwas ito sa naging unang pahayag ng mga pulis na nanlaban umano si delos Santos kaya napilitan ang mga ito na paputukan ang binata na nagresulta sa pagkamatay nito.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with