^

Bansa

Hustisya para kay Kian hingi ng US envoy

Rudy Andal at Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Hustisya para kay Kian hingi ng US envoy

Nakikiramay si Ambassador Kim sa pamilya delos Santos sa sinapit ni Kian sa twitter post ng US envoy. AP / Bullit Marquez, File

MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon ng hustisya para sa 17-year old na biktimang si Kian Loyd delos Santos si US Ambassador Sung Kim na napatay sa anti-drug operations sa Caloocan City.

Nakikiramay si Ambassador Kim sa pamilya delos Santos sa sinapit ni Kian sa twitter post ng US envoy.

“My condolences go out to the family and friends of Kian. Hope that the investigations lead to full accountability,” nakasaad pa sa tiwtter post ni Amb. Kim.

Samantala, mismong si Pangulong Duterte na ang umamin na mali at hindi kasama sa trabaho ng mga pulis ang gina­wang pagpatay kay Kian.

Sa talumpati ng Pa­ngulo sa inagurasyon ng Sto. Tomas, Batangas, sinabi nito na hindi niya ipinagtatangol ang insidente sa Caloocan pero masasabi niyang masama talaga ito.

“I’m not justifying yung sa Caloocan. That is really bad. Hindi naman in the performance of duty ‘yon,” pahayag ni Duterte.

Nauna rito, inihayag ni Duterte na hindi tama na pinapatay ang isang tao na nakaluhod na at nagmamakaawa para sa kanyang buhay.

Pero binanggit din ng Pangulo sa nasabing okasyon na patuloy ang kanyang paglaban sa iligal na droga na isa sa mga pangako niya noong kumandidato siyang pa­ngulo ng bansa.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with