^

Bansa

Puntod ni Ninoy dinalaw ng mga anak

Pilipino Star Ngayon
Puntod ni Ninoy dinalaw ng mga anak

Nagsalita rito si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa harap ng kanyang mga tagasuporta kasabay ng paggunita ng ika-34 na death anniversary ng ama niyang si Benigno “Ninoy” Aquino sa Manila Memorial Park sa Parañaque City kahapon. Miguel de Guzman

 

MANILA, Philippines - Dinalaw kahapon ng mga anak at kamag-anak ang puntod ni dating Senador Benigno ‘Ninoy” Aquino Jr.,sa Manila Memorial Park sa Parañaque City upang gunitain ang ika-34 na taong anibersaryo ng kanyang kamatayan.

Nabatid na dakong alas-8:30 ng umaga ng sabay sabay na duma­ting ang magkakapatid na Aquino sa puntod ng kanilang mga magulang sa nasabing lugar.

Nakasuot ng dilaw ang magkakapatid na sina Ballsy Cruz, Pinky Abellada, Viel Dee, Kris Aquino at dating Pangulong Nonoy Aquino nang magtungo sa sementeryo upang gunitain ang pagkamatay ng kanilang ama.

Dumalaw din sa puntod ng yumaong senador ang iba pang mga kamag-anak, ilang mga dati at kasaluku­yang opisyal ng pamahalaan, kabilang na si Vice Presidente Leni Robredo, Sen. Franklin Drilon, Sen. Francis Pangilinan, Mar Roxas at Senador AntonioTrillanes, Senador Bam Aquino.

Nag-alay ng panala­ngin, bulaklak at nagsindi ng kandila ang magkakapatid na Aquino, mga kaanak at kaibigan.

Ang dating Sen. Ni­noy ay magugunitang pinaslang noong 1983 sa Tarmac ng dating Manila  International Airport na ngayon ay Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang pagkamatay ni Ninoy ay naging sanhi ng EDSA People Power Revolution   na nagpabagsak sa rehimeng Marcos at naging daan para mailuklok sa puwesto sa maybahay nitong si da­ting Pangulong Corazon Aquino.

Samantala, isang sim­pleng seremonya sa pa­ngunguna nina Senator Jose Lina at August Twenty One Movement, ang ginawa sa ‘tarmac’ ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 kahapon bilang paggunita sa kamatayan ni Ninoy.

Kabilang sa programa ang isang misa ‘in memoriam at pagpupugay sa mga ‘soldiers - freedom fighters sa Marawi City laban sa Maute-ISIS linked assault at ang wreath-laying kay Ninoy Aquino granite marker sa NAIA Departure curve side.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with