Tabal binati ng Malacañang sa unang SEA Games gold
MANILA, Philippines - Nagpahatid kahapon ng pagbati ang Malacañang kay Mary Joy Tabal, ang unang pambato ng Pilipinas sa 2017 Southest Asian Games na ginagawa sa Kuala Lumpur, Malaysia na nakasungkit ng unang ginto para sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, sa ngayon ay mayroon ng isang ginto, isang silver medal at dalawang bronze medal ang Pilipinas.
“So we congratulate Mary Joy Tabal for giving the Philippines its first gold medal with her performance in the women’s marathon at the 2017 Southeast Asian Games in Kuala Lumpur, Malaysia. We now have one gold medal, one silver medal, and two bronze medals,” pahayag ni Abella.
Binati rin ni Abella ang iba pang kasapi ng Philippine team na sinusuportahan aniya ng buong bansa.
“Congratulations to our athletes and good luck to the rest of the Philippine team. The whole nation is solidly behind you. Mabuhay po kayo!” pahayag ni Abella.
- Latest