^

Bansa

Gwapotel isinara ng MMDA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Gwapotel isinara ng MMDA

Dahil luma na at itinuturing ng “condemned buil­ding” kaya isinara na ng MMDA ang Gwapotel sa Bonifacio Drive Port Area, Manila at inutos ang pagpapaalis sa mga nangungupahan dito. (Edd Gumban)
 

MANILA, Philippines -  Isinara kahapon ng umaga ng pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang Gwapotel sa Bonifacio Drive, Port Area sa Maynila.

Ayon kay MMDA Ge­neral Manager Thomas ‘Tim’ Orbos, luma at ‘condemned building’  na ang Gwapotel kaya kailangan ipasara para ipaayos at muling magamit.

Ginawa ang pagpadlak sa kabila ng mariing pagtutol ng mahigit 600 manggagawa na nawalan ng murang tulugan sa halagang 50 pesos sa loob ng 12 oras.

Ayon naman sa mga tenant, ang Gwapotel ay hindi totoong ‘condemned na, sa halip patuloy na ginagamit ng ilang overseas Filipino workers na naglalakad ng kanilang mga papeles sa Metro Manila.

Ito rin ang pahingahan ng nga naglalako ng pa­ninda sa kalye, taxi driver, construction workers at iba pa.

Ang Gwapotel, na mas kilala sa tawag na Hotel Gwapo, ay pangunahing proyekto ni dating Pa­ngulong Gloria Macapagal Arroyo at dating MMDA Chairman Bayani Fernando.

Nitong Agosto 8, 2017, umapela kay MMDA Chairman Danilo Lim ang mga manggagawang umuupa ng higaan sa Gwapotel upang bawiin ang kautusan nitong isara ang Gwapotel sa Agosto 31, 2017.

Ngunit ang kanilang apela ay agarang ibinasura at naglabas ng bagong kautusan sa pagsasara ng Gwapotel kahapon ng umaga.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with